Post hoc ergo propter hoc

by Sankage Steno

Ganito kabobo ang karamihan sa mga supporter ni You-Know-Who na naglipana ngayon sa internet. Hanggang dalawang variables lang ang kaya nilang suriin. A at B lang. At lagi silang nabibiktima ng post-hoc fallacy: Kapag nangyari si A, tapos ay nangyari si B, ibig sabihin si A ang sanhi ni B.

Halimbawa: Tumilaok ang manok, tapos sumikat ang araw. Ibig sabihin, manok ang dahilan ng pagsikat ng araw.

Sasabihin nila, “Seryoso? Ganyan ba tingin mo sa ‘min? Dilawan ka, ulol!”

Touché. (For all intents and purposes, the hypothetical quotation above is an example of a non sequitur statement, embellished with rhetorical questions and an ad hominem remark.)

Narito pa ang ilang halimbawa para patunayan ang kabobohan ng mga tinutukoy kong “tao” (Yes, I’m starting to question their humanity.):

  • Nanalo si You-Know-Who sa eleksyon, tapos nadagdagan ang MRT train cars. Ibig sabihin, si You-Know-Who ang dahilan kaya dumami ang tren.
  • Nanalo si You-Know-Who sa eleksyon, tapos tumaas ang GDP for Q2 2016. Ibig sabihin, si You-Know-Who ang dahilan ng paglago ng ekonomiya.
  • Nanalo si You-Know-Who sa eleksyon, tapos tumaas ang Philippine Stock Exchange index. Ibig sabihin, si You-Know-Who ang dahilan kaya maganda ang stock prices.

Para sa inyong kaalaman, may kapatid si post hoc ergo propter hoc. At madalas din siyang gamitin ng mga “taong” tinutukoy ko. Siya ay walang iba kundi si cum hoc ergo propter hoc. Ang paniniwala nila ay eto: Correlation implies causation.

Gamitin ulit natin ang variables na sina A at B. Kapag nangyari nang sabay sina A at B, o kapag laging nariyan si A kapag nand’yan si B, ibig sabihin baka si A ang dahilan ni B.

Halimbawa: Maraming may sakit na tao sa ospital. Baka ospital ang dahilan kaya maraming nagkakasakit.

Narito naman ang iba pang halimbawa para patunayan ang kabobohan ng mga “taong” tinutukoy ko:

  • Kinakalaban ni You-Know-Who ang mga dilawan, drug lord at terorista. Pinasabog ang Davao City. Mga dilawan, drug lord at terorista ang nagpasabog sa Davao.
  • May mga Amerikanong sundalo sa Mindanao. Kaya di matapus-tapos ang gulo sa Mindanao ay dahil sa mga Amerikano.

Come to think of it, hindi lang pala mga supporter ni You-Know-Who ang bobo. Pati pala si You-Know-Who. I wonder kung paano siya nakapasa sa Bar exam. Heck, pa’no siya nakapasa sa Law school?

The last question could likely be rhetorical in nature.

Advertisements