Sankage Steno

Ganun talaga.

Tag: Love

Spaghetting pataas para sa aking Easter birthday

Hindi pa ‘ko makapagluto ng mga handa ko para sa aking kaarawan ngayong Easter Sunday dahil busy pa ‘yung Lola ko sa kusina kaya minabuti ko munang magsulat dito sa blog. Ang dami kong pinagpilian habang naghihintay: mag-Netflix and Chill, mag-edit ng mga ilalaban ko sa Palanca, sumama kay Mama sa pagsisimba, mang-asar ng kapatid o magsulat sa blog.

Pinili ko ‘yung huling dalawa.

Bakit ‘yon? Well, unang-una, puro nood na ang ginawa ko nitong Holy Week. Nag-catch-up ako sa mga di ko pa napapanood na movie at series like Love, Death + Robots, Roma, Our Planet, Umbrella Academy, etc. Ilang araw na rin akong nag-eedit ng mga tula at kwento ko at nakakaburyong na s’ya talaga.

Commercial: Ang boring ng Roma ni Alfonso Cuaron pero ang ganda n’ya. Mas gusto ko pa rin ‘yung Y Tu Mama Tambien pero, in fairness, hanggang magising ako kaninang umaga e naiisip ko pa rin ‘yung Roma. So maganda talaga s’ya kahit boring. Also, ang amazing ng Love, Death + Robots. Gusto ko lahat, pero top 5 ko siguro ‘yung Sonnie’s Edge, Three Robots, Suits, The Secret War at Zima Blue.

At gustuhin ko mang samahang magsimba si Mama, hindi na ‘ko Katoliko at baka mag-away lang kami kapag sermon na ng pari dahil nagko-comment talaga ako out loud, at nabubwisit sa akin si Mama kapag ginagawa ko ‘yon minsan. Kaya ayun, nauwi ako sa pambubwisit sa bunso kong kapatid at sa pagsusulat nito.

Anyway, going back sa iluluto ko. Simple lang naman s’ya, lumpiang shanghai at spaghetti na super tamis kahit ayoko sa matamis na spaghetti. (Oorder daw ng pizza ‘yung isa ko pang kapatid na birthday naman kahapon at saka bibili ng mga inumin. Sana totohanin.)

Alam mo, kapag ako lang ang kakain, hindi ko talaga tinatamisan ‘yung spaghetti sauce na niluluto ko. Madalas, Italian style ‘yung sauce na binibili ko. At kung feel ko talagang magpaka-puta (as in putanesca), ang ginagamit ko ay tomato sauce, tomato paste at totoong kamatis. Hinahaluan ko lang ng spices para lalong sumarap sa aking panlasa.

Pero alam kong hinding-hindi iyon maa-appreciate ng mga tao rito sa amin.

Iba talaga kapag nakasanayan mo na ‘yung lasa ng pagkain. Kaya ko namang kumain ng matamis na spaghetti. Fan naman ako ng ganu’n sa Jollibee. Pero hindi ko lang talaga s’ya prefer lalo na kapag ako ‘yung magluluto, especially kung birthday ko. I mean, sino ba dapat ang masunod, ‘yung may-birthday o ‘yung mga makikikain sa handa ko? Obvious naman ang sagot, di ba?

Ako dapat.

Kahapon, nu’ng namimili ako ng mga sahog at sangkap sa lulutuin kong spaghetti, pinakanagtagal ako du’n sa section ng spaghetti sauce. Talagang nagdedebate ako sa sarili ko kung ang bibilhin ko ba e ‘yung Clara Ole na Italian sauce o ‘yung Del Monte na Filipino style. Hulaan mo kung ano ang pinili ko…

3…

2…

1…

Wrong answer!

Pinili ko ‘yung Filipino style spaghetti sauce na matamis at hindi ‘yung Italian.

Simple lang naman ng dahilan kung bakit ‘yun ang naging desisyon ko: Masaya na ‘ko na mag-birthday, kaya dapat hindi lang ako ang sumaya. Therefore, silang mga makikikain na lang sa handa ko ang pasasayahin ko. At dahil prefer nila ang matamis na spaghetti, so be it.

Image result for filipino style spaghetti

Mahal na araw

May nakilala akong lalake sa Boracay noong isang taon. Syempre, may nangyari sa amin. Di pwedeng wala. Dahil ba’t pa ‘ko pa-party sa Boracay kung di naman ako makaka-score? Sana nag-Grindr na lang ako sa Makati kung saan maraming tigang at yummy just like me.

Dahil sa karanasan ko sa lalakeng ‘yon, nakapagsulat ako ng isang maikling kwento na halaw sa mga ginawa namin sa isla ng Boracay. Muntik ko na rin s’yang iuwi sa Maynila at tulungang maghanap ng trabaho. Ang pinakamatindi sa lahat, muntik ko na rin s’yang padalhan ng pera. Buti na lang at kuripot ako.

Naalala ko s’ya ngayon kasi binalikan ko ‘yung kwentong sinulat ko sa kanya. Habang binabasa ko ‘yung isinulat ko last year, pinipilit kong alalahanin ‘yung pangalan ng lalakeng nakasama ko sa Boracay. Pero hindi ko na talaga maalala. Hindi ko na rin mahanap ‘yung pangalan n’ya sa phone dahil nagpalit ako ng sim card.

Noong isang linggo naman, habang nakikipagkwentuhan sa kaopisina ko tungkol sa kabaklaan, bigla n’yang naitanong ‘yung lalakeng naka-live in ko nang sandali at nakilala sa isang rally sa Luneta. For a few seconds, natigilan ako. Hindi dahil sa masasakit at masasayang karanasan ko sa lalakeng ‘yon, kundi dahil muntik ko nang makalimutan ‘yung pangalan n’ya. Buti na lang at may Facebook kaya naalala ko ulit.

Tapos, biglang nabaling ‘yung usapan namin sa isa ko pang ex. Kinuwento ng kausap kong kaopisina na nakita daw n’ya ‘yung dati naming officemate na na-link sa akin. Nang banggitin n’ya ‘yung pangalan ng na-link sa akin, pinutol ko s’ya saglit sa pagkukwento para tanungin ng “Sino?”

“Si K,” sagot ng friend ko.

Natigilan na naman ako at napaisip. “Ah, si K,” sabi ko nang maalala siya.

“Nakalimutan agad?”

“Oo, I swear. Nakakalimutan ko talaga pangalan ng mga ex ko.”

And that is the truth. Hindi ko alam kung coping mechanism ko s’ya o sign of aging o talagang makakalimutin lang ako pagdating sa pangalan ng mga taong matagal-tagal ko nang di nakikita at nakakausap.

Hindi naman issue sa akin kung madali akong makalimot ng pangalan. Hindi ko naman kasi nakakalimutan ‘yung magaganda (at masasarap) kong karanasan sa mga lalakeng dumadaan sa aking buhay. Masaya naman ako noong kalandian ko sila, at masaya rin ako kahit noong “maghiwalay” kami, maayos man ‘yon o hinde. At kahit ngayong single ako, masasabi kong I’m happy.

Saka sa dinami-rami ba naman ng malulungkot at masasakit na naranasan ko noon, lalo na noong adolescence, noong hindi pa ‘ko ganito katalino, kahusay at ka-yummy, parang sisiw na lang ‘yung mga heartaches at problema ko ngayon sa buhay. Kung may mabigat mang dumating, alam ko na kung pa’no i-handle, at sure akong makaka-recover ako. Kasi nga I’ve been through worse.

And maybe, just maybe, the worst is yet to come. Pero kebs lang hangga’t wala pa.

Come to think of it, dahil sa malulungkot na napagdaanan ko, parang naging happiness na ang default setting ko. And while it’s good and all, major setback lang n’ya na nagiging insensitive ako sa feelings ng iba kung minsan. Kasi masaya ako at lumalabas na wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Basta masaya ako, period.

Somehow, nagiging careless din ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. Kapag kasi nasa happy state of mind ka, nababawasan ‘yung fear, particularly sa fear of death o na matatapos ang lahat pagdating ng panahon. Dahil do’n, kung anu-ano ang ginagawa ko para lalo pang paigtingin ‘yung kasiyahan ko.

YOLO for short.

Sa huli, and in a way, ako rin ‘yung nagsa-“suffer” kahit hindi naman talaga ako nahihirapan per se. Without knowing it (or knowing it but not acting on it), napapalampas ko ‘yung ilang makabuluhang pagkakataon sa buhay ko. Halimbawa, kapag may chance na magseryoso ako sa isang tao, isinasantabi ko at binabalewala dahil alam ko naman kung saan din hahantong iyon.

Better safe than sorry, ika nga.

At dahil sa paulit-ulit kong ginagawa ‘yon, dahil nai-program ko ‘yung sarili ko na itakwil ang kahit na anong sisira o gagambala sa kaligayahan ko ngayon, may kutob akong may mga tao akong isinawalang-bahala. May mga lalakeng kumatok sa pinto ng puso ko at di ko pinagbuksan. Masaya kasi akong mag-isa, so bakit ako magpapapasok ng stranger, di ba? Para na rin akong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko.

Kaya ngayon, hindi ko na tinatanong sa sarili ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Hindi ko na rin pinag-aaksayahan ng panahon ang mga existential question na bakit ba ako nabuhay, bakit ako naging bakla, bakit kailangan kong pagdaanan ang mga pinagdaanan ko. Kasi nga, masaya na ako.

Ang gusto ko na lang itanong sa sarili ko ngayon ay eto: Magmamahal pa kaya ulit ako?

Litrato ni Steno Padilla.

SOTUS: Kung paano ako winasak ng happy ending

Kung paanong sumasaya at ginaganahan ako bigla sa tuwing mapapanood ko ‘yung laban nina Rock Lee at Gaara sa Chunnin exam ng Naruto, bigla naman akong nalulungkot at inaatake ng mild anxiety kapag nakikita ko ‘yung larawan o clip nina Kongpob at Arthit sa SOTUS The Series.

Sabi ko nga sa kaibigan kong nag-introduce sa akin ng Thai series na ‘yan, bumalik ‘yung seasonal depression ko after ko s’yang mapanood. Alam mo ‘yung wala naman akong mabigat na problema, masaya ako sa takbo ng buhay ko ngayon, wala akong masyadong inaalala, tapos malulungkot ako bigla?

WTF?

At dahil lang sa na-trigger ako ng show na ‘yan. Ang nakakatawa pa, hindi s’ya sad ending tulad ng Love of Siam. Ang gaan-gaan lang naman ng story, tungkol sa college life, in particular sa hazing, at happy rin ang katapusan. Pero sobrang taliwas ang epekto n’ya sa ‘kin. Ang weird.

Nang matapos ko ‘yung 15 episodes ng season 1, jusko, isang linggo yata akong hindi makatulog sa gabi. Naiisip ko lagi sina Kongpob at Arthit. Naiinggit ako sa kanila, sa kwento ng buhay nila. Na-in love ako character na pino-portray nila kahit hindi naman pang-Oscars ang acting nila pareho.

I mean, pa’no ka magmu-move on sa pagka-in love mo sa fictional character?

Naiinis din ako kasi naunahan na naman ako ng mga Thai sa pagsusulat ng ganitong kwento: ‘yung gay ang bida pero happy ang ending. Hindi tragic at depressing. (Well, nade-depress ako ngayon dahil dito, pero that’s an isolated case).

Sobrang kilig ng palabas na ‘to that it gave me an understanding kung bakit maraming nahuhumaling sa mga palabas at pelikula nina Kathniel, JaDine, LizKen, etc., at kung bakit maraming naaadik sa K-Drama. Now I know. Ganito pala ‘yon.

It took me long enough to understand how these “hetero” people feel kapag nanonood ng mga kilig shows. Understandable naman on my part. It took me decades bago ako naka-encounter ng gay-themed program na hindi mabigat at hindi biguan ang mga bida sa katapusan. It’s a breath of fresh air.

Unfortunately, hindi pala ako sanay sa fresh air. Kasi nga, ang bigat pa rin ng kalooban ko ngayon sa tuwing naiisip ko sina Kongpob at Arthit. That while I’m happy for them, nalulungkot ako for myself. At hindi ko alam kung bakit ganito ang effect n’ya sa ‘kin. It’s not debilitating naman. I’m still high functioning at di ko need mag-meds o magpunta sa psychiatrist for counselling.

I only need time to process things.

At, ngayon, I can say na mas okay na ‘ko kesa a few weeks ago nu’ng mapanood ko ‘yung SOTUS. Pero it will take maybe a couple more months bago ko panoorin ‘yung season 2 or any show na katulad n’ya, like Waterboy. I need to recover some more. But I’m happy na I can talk about it na at nakakaya ko nang panoorin nang paulit-ulit ang eksenang ‘to sa baba:

Image result for kongpob arthit