Sankage Steno

Ganun talaga.

Sinulat ko ang 2020

Bago pa dumating ang COVID-19 sa Pilipinas, sinimulan ko nang isulat ang pinakamahabang nobelang binalak kong tapusin noon pa lang 2019. Isa ito sa tatlong resolution ko last year at siyang tanging naisakatuparan ko. Ang nobelang ito ay tinawag kong “Kalasag ni Bathala” at isang YA novel set in precolonial Philippines.

Dahil nakapagsulat ako ng nobelang may mahigit 100,000 words, lalo akong ginanahang magsulat pa ng ibang bagay. Naisip ko, kung nagawa ko ito kahit nakalockdown, magagawa ko ang kahit na ano. At totoo nga. Nakatapos ako ng isa pang nobela ngayong taon. Tinawag ko itong “Sayaw ng mga Anino,” isang katatakutang kuwento na nakaset sa kasalukuyan: a pandemic horror story.

Sobrang proud ako sa nobelang ito dahil isinulat ko s’ya habang nakalockdown ang aming bahay. Nagka-COVID kasi ang isa kong kamag-anak na nagtatrabaho sa ospital sa karatig-bayan. Kung alam n’yo lang ang kaba at ligalig na naranasan ko at ng aking pamilya araw-araw dahil sa nangyaring ito sa amin, marahil ay mas mauunawaan ninyo ang sinasabi ko.

Ang nakakatakot at nakakastress na karanasang ito ang nagtulak sa akin upang mabilis na matapos ang ikalawa kong nobela para sa taong 2020. Sabi ko sa sarili, kung mamamatay na ‘ko ngayong taon, dapat ay makapagsulat ako ng isa pang nobela. True enough, nagawa ko. At gumaling ang kamag-anak kong tinamaan ng COVID-19.

Nagsunod-sunod ang tagumpay ko sa mga isinulat ko ngayong taon. Oo, walang Palanca Award this year. Wala rin ang karamihan sa mga writing workshop. Pero maraming call for submissions. At isa sa mga unang magandang balitang dumating ngayong taon ay ang pagkakatanggap ng aking nobelang “Si Aris sa Tagsibol ng Damdamin” na una nang nagwagi ng Lampara Prize noong 2018.

Maliban sa aking mga nobela, natanggap din ang aking mga katha o maikling kuwento sa iba’t ibang panawagan sa bansa. Una na rito ang “Angel Locsin” na natanggap sa Likhaan. Isa itong speculative fan fiction na tumatalakay sa mga pagkukulang ng gobyerno sa gitna ng pandemya. Proud ako sa kuwentong ito dahil kahit mabigat ang paksa, ginawa ko s’yang katatawanan at puno ng pag-asa.

Dapat ay ngayong taon ilalabas ang kuwentong ito sa “Dx Machina 1” pero dahil sa maraming problema sa printing at sa suliraning hatid ng virus, nausog ito sa isang taon. Baka sa Enero o Pebrero pa lumabas. Nakakatuwa dahil puro bigatin ang mga manunulat na kasama ko sa aklat na ito.

Hindi lang mga kuwentong pangmatanda ang pinanalunan ko. Wagi rin ako sa mga kuwentong pambata. Sa kauna-unahang pagkakataon, nanalo ako sa 28th Romeo Forbes Story Writing Competition ng CANVAS para sa aking LGBTQ story na pinamagatang “Si Ador sa Labas ng Aparador.” Second place lang ako pero hindi na masama. Alam mo kung bakit?

Nasa mechanics kasi ng patimpalak na isa lang ang mananalo sa CANVAS. Sa mga previous contest nila, laging isa lang ang nananalo kahit marami ang magagandang entries. Laking gulat at pagtataka ko ngayon nang malaman kong nanalo ako at second place pa. Ngayon lang yata nangyari ito kung tama ang aking pagkakaalala. Ako ang exception sa kanilang rule. Hahaha!

May iba pa akong kuwentong pambata na kuminang ngayong taon. Natanggap sa anthology ng Lampara ang aking kuwentong “Ang Maselang Mawmag” na tumatalakay naman sa rape o sexual abuse sa mga bata. Pero idinaan ko ito sa malikhaing paglalahad gamit ang tarsier o maomag ng Bohol.

May dalawa pa akong kuwentong pambata na natanggap, ngunit wala na akong balita kung matutuloy pa ang paglilimbag nito o kung ang unang nabanggit ko na ang siyang magiging kapalit nito. Ano’t ano pa man, masaya ako dahil ibang skill ang kailangan sa pagsusulat para sa mga bata. Mahirap at tricky s’ya. Mas sanay pa naman akong magsulat ng nobela (na mahaba) at para sa mas matatanda (na mature).

Dagdag pa rito, hindi ko rin inasahan na matatanggap ang mas maiikli kong akda sa taong ito. Dalawa sa aking mga naisulat na dagli tungkol sa pandemya ang pinalad na mapasama sa antolohiyang “2020: Ang Hinaharap sa Isang Iglap.” Ang una kong dagli ay may pamagat na “Mayora” na tungkol sa VIP testing at ang isa naman ay “Intubation” na tungkol sa mga namamatay na frontliners.

Baka sa isang taon din lumabas ang librong ito. Pero hindi naman lahat ng pinasahan ko ay sa 2021 pa ang labas. Nagulat ako nang biglang lumitaw early this year ang kauna-unahan kong libro kung saan napabilang ang aking mga tula. Ang mga tulang ito ay nauna nang napasama sa 1st LGBTQ Writer’s Workshop ng GLOBALGrace-UP noong 2018. Dati ay sa blog ko lang sila nilalathala. Ngayon, nasa libro na!

Malinaw na siguro na hindi lang sa prose ako mahusay. Kaya ko ring magsulat ng tula. And to further prove my point, nanalo rin sa pa-contest ng NCCA, LIRA at Savage Mind ang isa kong tanaga na tungkol pa rin sa pandemya. Malamang ay sa 2021 din ang labas nito. Ang dami kong librong lalabas next year! Hahaha!

Kung sa tingin n’yo naman ay puro local ang pinanalunan ko, nagkakamali kayo. Actually, nagkamali rin ako. I underestimated myself, which is kind of a good thing. Laking tuwa ko nang matanggap ang isa ko pang tula na may sarili kong salin sa wikang Ingles sa kalipunang may pamagat na “A/PART: An Anthology of Queer Southeast Asian Poetry in the Pandemic.”

First time kong mapasama sa isang “international” anthology. Kahit sa Southeast Asia lang ito, malaking bagay pa rin sa akin dahil (1) first time kong isalin sa English ang aking tula, (2) hindi ko forte ang pagsulat ng tula at ngayon ko lang siya natututuhan, at (3) hirap akong magsulat ng tula ngayong pandemic dahil madalas nagagawa ko lang s’ya kapag in-love ako.

In love man o hindi, napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng muse para makapagsulat. Hindi ko kailangan ng inspiration. On second thought, baka naman ang sarili ko ang aking muse at inspiration. Medyo conceited pero it works! On third thought, baka naman lalo lang akong nakakapagsulat kapag gipit o dehado. In other words, I thrive in adversity.

At dahil hindi pa naman natatapos ang pandemic, dahil naka-community quarantine pa rin tayo ngayon, at mukhang aabot pa ito hanggang 2022 dahil sa inutil at abusado nating gobyerno, mukhang matagal-tagal pa bago bumalik sa normal ang lahat. Ibig sabihin, mas marami pa rin akong oras para magsulat ng mga kuwento at tula. Kung nagtagumpay ako ngayong 2020, pipilitin kong higitan pa ito sa 2021. Padayon!

Boys’ Love

SarawatXTine

Natutuwa ako dahil sumisikat na ang Boys’ Love o BL sa Pilipinas, na nag-originate sa Japan bilang mga Yaoi manga at mas pinasikat pa ng Thailand nang gawan nila ito ng TV series adaptation. Ganito rin kasi ‘yung “genre” ng mga naisulat kong nobela.

Sa mga nakabasa na ng unang dalawa kong nobela na nanalo sa Lampara (“Ang Lihim sa Tore ng Sinagtala” at “Si Aris sa Tagsibol ng Damdamin”), BL din ‘yung pinakatinutumbok kong genre, pero pasok pa rin naman sa mas marketable term na “Young Adult.”

But enough sa pagbubuhat ng sariling bangko, I just want to credit these yaoi writers and BL producers for their bravery. Malaking sugal ang pagpapalabas ng mga ganitong shows na ang bida ay dalawang lalaking nagliligawan, nagmamahalan, naghahalikan, nagkakatampuhan, nagkakamabutihan, nagkakahiwalay, at nagkakabalikan.

So thank you!

I think I have to give credit as well to GMMTV na nag-produce ng pinakasikat na BL ngayon, ang 2gether The Series, na pinagbibidahan nina Bright Vachirawit at Win Metawin, na super guwapo at adorable together. Walang itulak-kabigin!

SarawatxTine2

Kung naghahanap ka ng kilig at saya, BL is the one for you. Dahil sa BL, mas naintindihan ko ang nararamdaman ng mga fan girls, ng mga nahuhumaling sa K Drama at sa mga love teams like KathNiel, JaDine, LizQuen, atbp. Now I can relate.

Maliban sa understanding ko sa ganitong dynamics, sa representation ng man to man (or boy to boy) relationhip sa mass media, at sa kilig at ligayang hatid nito sa akin, natutuwa rin ako sa kapangahasan ng mga gumagawa nito na ipakita ‘yung mga mali sa lipunan. And this is where the dark side of BL lies.

SarawatxTineBoobs

For example, sa kauna-unahang BL na pinanood at inibig ko, SOTUS at SOTUS S, tungkol ito sa university life ng mga college students na gustong maging member ng org or maging part ng community, and to do that, dapat may initiation or hazing.

Although may disclaimer ang show na exaggerated ang pagpapahirap na ginagawa nila sa students, ipinapakita pa rin ang talamak na bullying, hate, at power abuse kahit sa school pa lang.

Sotus Piggyback

Maliban sa hazing at bullying, marami ring BL ang walang ideya sa consent at rape, o kung meron man, they don’t think it wrong na pwersahin ang isang tao na makipag-sex sa kanila o gawin ang mga bagay sa iba nang walang consent. Ganito ‘yung nakita ko sa Water Boy at sa Chinese BL na Addicted.

Ang akala ng mga writers, normal lang ang sapilitang pakikipag-sex para magustuhan ka rin ng type mo. Or, hindi masamang makipag-sex sa taong alam mong may gusto sa ‘yo kahit ayaw pa n’yang makipag-sex. Which is definitely wrong. Rape is forced sex. Kahit mahal ka ng taong ‘yan, kung ayaw n’yang makipagtalik, at pinuwersa mo, that’s rape.

Ganito ‘yung madalas ipakita sa mga BL na mali at kailangang mabago.

MY DRAMAS' REVIEWS: WATER BOYY THE SERIES | K-Drama Amino

Maliban sa mga nabanggit ko, talamak din sa BL ang gay relationship na masc for masc o mga straight-acting na lalaki ang bida o pinagpapares. Although meron din namang mga effem na ibinibida kapares ng isang macho na lalaki, mas sumisikat ang mga macho sa macho na love team. Ito ang isa pang dapat mabago at i-improve ng mga BL writers.

Sa Thailand kasi, nagiging stepping stone ng mga lalaking artista ang BL o gay roles at the start of their career. Tulad na lang ni Mario Maurer na straight pero unang sumikat sa gay movie niya na Love of Siam. Ganito rin ang nakikita kong kahihinatnan ng bida ngayon sa 2gether na si Bright.

film response: The Love Of Siam | THE CINESEXUAL

Ang dating ngayon, nagagamit lang ang kabaklaan o LGBT movement bilang springboard ng career ng mga artistang ito. I don’t want to talk about patriarchy and capitalism anymore kasi hahaba lalo itong blog ko. Saka lahat naman ng bagay sa kasalukuyan ay maikokonek natin sa dalawang ito. As in lahat!

So focus muna ako sa mas madaling mabago na makakatulong para ma-improve pa ang narrative ng mga BL habang patuloy ito sa pagsikat sa Asya at sa ibang bahagi ng mundo. Kasi sa totoo lang, maraming BL ang kilig lang ang offer at pangit ang kuwento. I think dapat dito muna tayo mag-start bago ‘yung mas malaking problema na systemic.

Itong sikat na BL series ngayon, 2gether, talagang walang laman ‘yung kwento, unlike ‘yung SOTUS na medyo matibog-tibog at malaman. Pero ‘yun nga, kulang pa rin. Di hamak na mas malalim ang mga nobelang naisulat ko while maintaining the kilig between the two male characters. Ayan, nabalik na naman sa akin. Sorry naman. Haha!

SarawatxTine3

Napaka-promising ng BL, I swear, pero nakakatakot din kasi baka maging stagnant s’ya at hindi na mag-improve ang story at mga issues na tinatalakay. Baka forever na lang na kilig-kilig at walang linamnam, walang naidaradag sa diskurso, at hindi nagtatangkang baguhin ang mga mali sa lipunan. It’s a tall order, I know. But doable.

Dito papasok ang mga fans at online communities. Malaki ang magagawa nila to improve these shows. Nakikinig naman ang mga writers at producers e. Nagbabasa sila ng feedback sa online forum, Twitter, Facebook, etc., so it would be helpful kung bibigyan sila ng constructive criticisms ng woke fans.

So let’s celebrate Boys’ Love dahil sumisikat na s’ya, at mas marami nang exposure ang love between two guys. Pero let’s also push for a stronger, braver, and more inclusive narrative that won’t perpetuate the wrongs in our society. ❤

Heroin/Addicted Episodes 13-15 // Chinese Web Series Review

Gumalaw nang 30 minutes

With the title World War Z

“Movement is life.”

‘Yan ‘yung most memorable line sa akin sa zombie apocalypse movie na World War Z. Kapag kasi hindi ka gumalaw at pumirmi lang sa isang lugar, mas malaki ang chance na makain ka ng zombies. E parang naka-steroid pa naman ‘yung mga halimaw sa pelikula na ‘yon. Nanghahabol. Hindi katulad sa Walking Dead na leisure walking lang.

‘Yan din ang advice ko sa sarili habang nasa lockdown (na maaari pang ma-extend ng 2 weeks up to 20 days). Wala namang zombie na kakain sa akin, although mahalaga pa ring gumalaw para hindi ma-stroke, para maiwasan ang depression, para hindi lumala ang anxiety, para hindi tumaba masyado, at para malibang nang kaunti.

Isa sa mga kinabuwisit ko noong una sa lockdown na ito ay ‘yung pagkawala ng physical activity ko. Kapag kasi pumapasok ako sa office, nakakapaglakad-lakad ako tuwing lunch break at naglalakad din ako ng halos isang oras pauwi sa bahay mula sa pinapasukan ko sa Makati.

Surprisingly, ngayong nakakulong ako sa bahay, nagawa kong magka-habit na gumalaw pa rin at mag-exercise. Bale ang routine ko ngayon sa araw-araw e eto:

  1. Pagkagising, exercise for 30 minutes
  2. Mamalengke o maglinis ng bahay
  3. Magtrabaho
  4. Magsulat ng nobela
  5. Magbasa ng libro o mag-videoke

Halos ganyan ang ginagawa ko ngayon sa araw-araw, kahit Sabado o Linggo. Iniiwasan ko rin ang panonood ng series o movie marathon dahil lalo lang akong nagkaka-anxiety o nade-depress kapag nauubos ang araw ko na nakaharap lang sa screen at walang ibang nagagawa.

Wala naman akong major goal kung bakit ako may habit na gumalaw-galaw o mag-engage sa physical activities for at least 30 minutes every day. Ang pinakalayunin ko lang ay GUMALAW. Wala nang iba. Hindi ang magpapayat o magpaganda ng katawan, pero kasama na rin ‘yon sa benefits kapag regular kang nag-eehersisyo.

Mahalaga para sa isang tao na may goal ka sa ginagawa mo, pero mahalaga rin na doable ang goal mo at hindi ‘yung ningaskugon lang, na kapag nahirapan ka na o nagkaproblema nang kaunti, e titigil ka na. You have to form a habit, and you can only do that if you start small. Little by little. Hindi ‘yung bongga agad.

Ngayon, kung kaya mong maglaro ng video games o mag-Netflix nang tatlong oras straight, siguro naman kaya mo rin ang 30 minutes na paggalaw-galaw ng katawan.

Inuulit ko. Hindi mo kailangang mag-exercise para magpapayat o magka-abs. Kailangan mo lang GUMALAW.

Dahil dinisenyo ang ating katawan para sa movement, dapat may movement tayo araw-araw. Pero dahil limitado ang galaw natin ngayon sa lockdown, mas dapat mag-effort na gumalaw-galaw sa loob ng bahay. Ito ang karaniwang movements ko sa 30-minute exercise pagkagising sa umaga:

  • Walk in place (kung may bakuran kayong maluwang, better)
  • Run/Jog in place
  • Jumping jacks
  • Stretching
  • Push-ups (optional ito kung hindi mo kaya)

Ganyan lang kasimple ang ginagawa ko. Paulit-ulit for 30 minutes. Minsan, kapag masaya ang tugtog, sinasamahan ko ng sayaw o martial arts forms na natutuhan ko noong high school. Basta ikaw ang bahala. Walang hard rules. Ang mahalaga, gumalaw ka nang tuluy-tuloy for 30 minutes para makaiwas sa sakit.

Nga pala, ang 30 minutes ay katumbas lamang ng walong (8) pop songs (na may duration na 3 to 4 minutes). Walong kanta lang ‘yan o kasinghaba ng isang anime episode. Napakaikli kung tutuusin. Narito ang mga pampagana kong tugtog na pwede mo ring pakinggan habang nag-e-exercise:

Sana makatulong. 🙂