I-Laboracay na ‘yan

by Sankage Steno

Miss PNoy, pwede po bang pakikulong si Imelda Marcos? Balita ko tumatanggap pa rin po s’ya ng old age pension galing sa gobyerno. Balita ko rin kasama si Ferdinand Marcos sa mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig kahit na “he actually played little to no part in anti-Japanese activities during the war.”

Bakit po ganun?

Hindi pa po ba sapat ‘yung katotohanang may ill-gotten wealth sila para makulong? Ilang milyon po ba dapat ang nakawin ng isang pulitiko para makulong s’ya?

Kung hindi n’yo po kayang ipakulong ang kahit isang Marcos, pakawalan na rin po natin sina Napoles, Revilla, Estrada at Enrile. Ipadala na lang po natin sila sa Boracay on May 1. Masaya po yun, pramis.

Miss PNoy, pwede rin po bang pakikulong yung mga chekwang nagtatayo ng kung anik-anik sa Spratlys? Bakit hinahayaan po natin silang mag-reclaim at mag-construct doon kung atin talaga yung teritoryong ‘yon? Alam mo po, kung sakali mang manalo yung kaso natin sa UN, di rin po susundin ‘yon ng China. E para sa’n pa po yung effort natin, hano?

Takot po ba kayo? Di n’yo po kaya? Totoo naman, di ba? Takot kayo at di n’yo kaya. So ano na lang po gagawin natin?

Ah, alam ko na! Imbitahan na lang po natin yung mga chekwang ‘yon sa Boracay on May 1. Mag-Laboracay na lang po silang lahat do’n. Masaya po yun, pramis.

Miss PNoy, pwede po bang pakikulong yung mga Morong nagprotekta sa mga teroristang tinugis ng SAF44? Bakit po nagiging kuta tayo ng mga halang ang kaluluwa? Alam ko pong maganda sa Pilipinas, pero bakit nababalewala po yung batas natin at yung peace efforts?

Di ba po si Marcos ang dahilan kung bakit nagkaroon ng MNLF at, in turn, MILF at BIFF. Ilang paksyon pa po ba ang dapat nilang buuin bago may managot sa batas?

Bakit di na lang po natin sila imbitahan din sa Boracay sa darating na Labor Day? Mag-party-party po sila du’n like it’s the end of the world. Masaya po yun, pramis.

Miss PNoy, kapag na-invite n’yo na po lahat ng mga taong ‘to sa Boracay, pakilagyan na lang po ng lason yung inuming tubig doon kung ayaw n’yo pong pasabugin yung buong isla. Yun lang po. Maraming salamat.

Advertisements