Sankage Steno

Ganun talaga.

Tag: Pamahalaan

Bakla si Duterte

Malakas ang kutob kong bakla talaga ang pangulo ninyo through and through, at lahat ng pinaggagagawa at pinagsasasabi n’ya ay para lang pagtakpan ang kanyang pagiging gay. Ngayon ko lang napagdugtung-dugtong lahat dahil sa pagbisita ni Winnie the Pooh (a.k.a. Xi Jinping) sa bansa ngayong araw.

Una, ilang beses nang sinabi ni Duterte na mahal at kailangan niya ang China. When referring to China, ang ibig talaga niyang sabihin ay si Xi Jinping. Eto ang sinabi niya noong April 9 bago umattend ng Boao Forum for Asia:

I would say, I need China more than anybody else at this time of our national life. I need China. I will not say something which is not good.

Bago pa ‘yan, may nauna na s’yang pahayag sa kanyang “secret” lover. Last year, habang nagsasalita sa pagtitipon ng mga konsehal sa Pasay City, ipinahayag niya ang masasabing unang public declaration ng pagmamahal niya kay Xi Jinping:

Let me publicly again thank President Xi Jinping and the Chinese people for loving us and giving us enough leeway to survive the rigors of economic life in this planet.

Pangalawa, inamin niya noon kay Vice Ganda sa programa nitong Gandang Gabi Vice na bakla siya. Ang eksaktong sinabi n’ya ay eto:

Bakla ako noon, na-reform lang.

Pangatlo, pa-macho shit lang ‘yung paghalik-halik n’ya sa mga babae para pagtakpan ang kabaklaan n’ya. Karaniwang sintomas ‘yan ng mga baklang hindi out o hindi makapag-out. Lalo nilang ipinapakita sa madla na “lalaki” sila sa pamamagitan ng panghihipo sa babae, paghalik sa babae, pati na rin ‘yung pagiging misogynist n’ya ay sintomas ng kanyang repressed sexuality.

Ito rin ang dahilan siguro kung bakit galit siya sa mga babaeng empowered tulad nina Sen. Leila De Lima, VP Leni Robredo at dating SC Chief Justice Lourdes Sereno. Inggit s’ya sa pagiging babae ng mga ito, bukod pa sa pagiging independent at empowered, na hindi n’ya makakayang maging kahit kelan.

Ang tawag dito, vagina envy.

Still not convinced na bakla si Duterte? Eto, mula mismo sa kanyang kampon at kabaro (in a way) na si Sass whoever she is. Nagsulat ito ng opinyon sa Manila Times na pinamagatang Duterte: The first bakla president.

NO other president than Rodrigo Duterte has ever done this: To refer to himself as “bakla.” Unashamed, he referred to himself as one not just once but several times.

Ayan, ha. Si Sass na mismo ang nagdetalye kung ilang beses inamin ni Duterte na bakla s’ya. Baka sabihin n’yo imbento ko lang ‘to kasi “delawan” ako.

More proof!

Wala namang masama sa pagiging bakla. Baka lang mas tumino si Duterte at ayusin ang pagpapatakbo sa bansa kung sakaling maglaladlad s’ya. Saka para maging malaya na s’yang ibigin si Xi Jinping. Hihi. Naniniwala akong bottom si Rody Duterte at top si Xi Jinping, sexually, economically, mentally and Spratly.

Tingin ko lang naman. I could be wrong. Saka s’ya pa rin talaga ang magdedesisyon kung kelan s’ya mag-a-out at kung anong position ang gusto n’ya. Malaki na s’ya. Kaya na n’ya ‘yan. Hahaha!

Image result for duterte bakla

Mali si Digong kay Ninoy

Sabi ni Duterte kahapon, “we need more citizens like him [Ninoy] so we can steer our country towards the direction where a brighter and better future awaits us all.”

O, di ba? Very motherhood statement si Lolo mo. Alam naman nating labas sa ilong lang ang sinabi n’ya. Baka nga hindi n’ya talaga binasa ‘yang sinulat ng kanyang staff. Pinirmahan lang. Worse, baka nga hindi pa s’ya ‘yung pumirma. Baka ‘yung gaGO n’yang assistant pa ang gumawa.

Pero hindi ‘yon ang punto ko. Ang gusto ko talagang sabihin, mali s’ya. Mali si Katay Digong sa pag-iisip o pagsasabing kailangan natin ang mga mamamayang katulad ni Ninoy Aquino. Hindi po tama iyon. Tigilan na po natin ang ganitong balikong pag-iisip na dapat ay MAMATAY tayo para sa bayan.

Ang totoo, dapat na po tayong MABUHAY para sa Pilipinas. Tapos na ang panahon ng pananakop. Tapos na ang panahon ng pang-aalipin sa atin ng mga banyaga. Pero tuluy-tuloy pa rin ang pagpatay sa mga Pilipino. Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapahirap sa atin. Tapos gusto pa ni Digong na mamatay tayo para sa bansa?

E ‘yun nga ang gusto n’ya para mabawasan ang mahihirap sa Pinas.

Sa mahigit 25,000 napatay o pinatay dahil sa kanyang war on drugs, parang kagaguhan naman kung sasabihing dapat tayong tumulad kay Ninoy at ialay ang buhay para sa bayan. Tama na po ang pagpapakamartir. Panahon na para singilin at panagutin ang mga pulitiko nating ipinagkakanulo tayo para sa pansarili nilang interes.

Ayaw kong mamatay para sa Pilipinas. Mas gusto kong mabuhay nang matagal at tumulong sa paraang alam at kaya ko para mapabuti ang buhay ng kapwa ko Pilipino at para mapaganda ang imahen at kalagayan ng bansa. Mas gusto ko ang ganitong pag-iisip kesa ‘yang gustong ipatimo sa ating isipan ng berdugong pangulo.

Isa pa, hindi tayo ang dapat na tumulad kay Ninoy. Ang una, at higit sa lahat, na dapat tularan si Ninoy ay ang mga pulitiko. Ang mga nasa gobyerno. Sila dapat ang magsakripisyo o mag-alay ng buhay kung kinakailangan para sa kapakanan ng bansa. Sila ang dapat na mamatay “nang dahil sa ‘yo.”

Kabaligtaran dapat. We don’t need more citizens like Ninoy. We need the politicians and public servants to be more like Ninoy. Better yet, kailangan natin ang mga kurakot at taksil na pulitiko na matulad kay Ninoy… sila dapat ang BARILIN at BURAHIN na sa mundo.

17 again

Noong 17 years old pa lang ako, sobrang excited ko sa buhay dahil incoming freshman ako sa UP Diliman. Nakapasa ako sa kursong Journalism, pero nu’ng mga panahong ‘yon, nagdadalawang-isip pa ‘ko kung itutuloy ko ba ‘yung first choice ko o lilipat sa second choice ko na course, which is Business Administration & Accountancy.

I decided to stay dahil masaya naman sa College of Mass Communication at mas komportable akong magsulat kaysa mag-compute ng kita ng mga kapitalista. Saka may plano akong may malaking kinalaman sa Journ.

Looking back, sobrang suwerte ko pala. Kahit kapos ako sa pera noong college, nairaos ko naman, salamat sa aking Mama at sa marami kong kaibigan. Ang suwerte ko dahil di pa nagtataas ang tuition noon sa UP. P300 lang per unit ang bayad ko noon. Sa isang semestre, nasa P6,000 lang ang binabayaran ko. Malaking tipid din ‘yon.

Ang suwerte ko rin kasi hindi pa pinapatay ang mga tambay at payatot noong circa 2004. Di katulad ni Kian delos Santos na lumabas lang saglit ng bahay, dinakip na ng mga pulis at pinatay kahit ilang beses pa itong nagmakaawa. Ang suwerte-suwerte ko talaga.

Ang malas ni Kian.

Ngayon, first anniversary na ng kanyang kamatayan. Dapat sana, 18 years old na s’ya. Dapat e pinoproblema n’ya ngayon ‘yung exam n’ya o project, o ‘yung love life, o ‘yung ipangtu-tuition niya sa susunod na sem. Pero tapos na lahat ‘yon. Wala na s’yang problema. Wala na ring poproblemahin ‘yung mga magulang n’ya.

Wala na silang papaaralin.

Come to think of it, masuwerte rin pala si Kian kahit papa’no. Di na kasi n’ya makikita ‘yung nangyayari sa bansa. ‘Yung panibagong shipment ng shabu na nakalagpas na naman sa Customs at nagkakahalaga ng mahigit P6 bilyon. ‘Yung patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. ‘Yung patuloy na pagpatay sa mga mahihirap.

Hindi na n’ya poproblemahin ‘yon. Suwerte! Tapos na ang paghihirap n’ya. Siguro dapat na rin niyang pasalamatan si Duterte dahil kung hindi sa kanyang war on drugs, baka namomroblema pa rin si Kian ngayon sa napakaraming bagay. Utang na loob ni Kian ang kanyang kamatayan kay Duterte.

Kamatayan talaga ang sagot sa kahirapan.

Nakakainggit din. Sana nu’ng 17 years old pa lang ako, na-Tokhang na din ako ng mga pulis. Para wala nang mang-aaway online kay Duterte at sa mga DDS. Para wala nang magsusulat ng mga kuwento at tula tungkol sa mga isyung panlipunan. Para wala nang magsusulat ng mga balita at opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa. Para wala nang maingay na bakla sa blog. Saya nu’n, di ba?

Hay, nakakainggit si Kian.

Image result for kian delos santos