Ay, Bakla!

by Sankage Steno

May nag-out na namang bakla, and this time, medyo big deal sya kasi ang profession ng sinasabi kong nag-out ay very “manly.” I’m sure isa sa inyo e nabasa na ang balitang ‘to. Isa syang basketball player ng NBA, at sya ay walang iba kundi si Jason Collins ng Boston Celtics at Washington Wizards.

Para sa mga hindi pa nakakaalam ng balita, heto ang link: ito po, saka ito pa.

Sobrang big deal sya ngayon sa United States, at nakuha pa mismong tawagan ni President Barack Obama si Jason para lang sabihing sinusuportahan sya nito at hinahangaan nya ang atleta dahil sa katapangang ipinakita nya. Galeng, no? Imagine, tinawagan ka ng presidente after mong mag-out.

Alam naman ng nakararami na pro sa same-sex marriage si Pareng Barack, at mas naging vocal sya rito nung nangangampanya sya for reelection. At nanalo naman syang pangulo ulit. Dahil sa ginawa ni Jason, I’m sure lalong lalakas ang push para maisabatas na ang same-sex marriage sa U.S.

Pero alam mo bang hindi lang si Jason ang bakla/tomboy na atleta? Marami pa. Heto ang ilan sa kanila (Yung mga out lang alam ko, ha? Malay ko ba sa hindi pa out.):

  • Orlando Cruz – boxer ng Puerto Rico
  • Megan Rapinoe – U.S. Olympic soccer player
  • Kwame Harris – dating San Francisco 49er
  • John Amaechi – basketball player ng Orlando Magic
  • Gareth Thomas – rugby player
  • Martina Navratilova – Prague-born tennis player
  • Matthew Mitcham – Olympic diver
  • Balian Buschbaum – pole vaulter
  • Wade Davis – dating NFL player

Marami pa sila. Para makita mo pa, puntahan mo na lang yung article na ito: click me.

At eto pa! Alam mo bang marami pang sikat na bakla/tomboy sa ating history? I’m sure magugulat ka sa ilang pangalang ipapakita ko rito. Kasi ako nagulat talaga. Pa’no ako nagulat? Ganito o: @_@

  • Socrates (470-399 B.C.) Greek Teacher and Philosopher
  • Plato (427-347 B.C.) Greek Teacher and Philosopher
  • Alexander The Great (356-323 B.C.) Macedonian King and Military Leader
  • Hadrian (76-138 A.D.) Roman Emperor
  • Leonardo da Vinci (1452-1519) Italian Renaissance Artist, Teacher, Scientist and Inventor
  • Michelangelo (1475-1564) Italian Renaissance Artist and Sculptor
  • Sir Francis Bacon (1561-1626) British Statesman and Writer
  • Christopher Marlowe (1564-1593) English dramatist and poet
  • Hans Christian Andersen (1805-1875) Danish Poet and Writer
  • Henry David Thoreau (1817-1862) Euro-American Philosopher, Naturalist, and Peace Activist
  • Herman Melville (1819-1891) Euro-American Writer
  • Peter I. Tchaikovsky (1840-1893) Russian Composer
  • Oscar Wilde (1854-1900) Irish Writer and Dramatist
  • Virginia Woolf (1882-1941) British Writer and Publisher
  • John Maynard Keynes (1883-1946) British Economist and Nobel Prize Winner
  • Andy Warhol (1930-1987) Euro-American Pop Artist
  • Freddie Mercury (1946-1991) British Singer/songwriter/musician

Hay, andame. Alam mo, marami pa. Yung iba hindi na nakuhang mag-out. Pero para dun sa mga nag-out, eto pa ang listahan: click ka ulit dito.

Pasensya na at wala akong nailistang mga Pinoy na sikat. Hindi ko kasi alam kung out ba sila o hindi. Pero out or not, it only goes to show na maraming bakla/tomboy ang accomplished. It also goes to show na wala sa gender ang pagiging mahusay na tao. At lalong wala sa gender ang pagiging makatao.

Advertisements