Pikit-sulat

by Sankage Steno

Sumasakit na ang ulo at mga mata ko sa kakasulat ngayon araw, pero di ko naman mapigilan ‘tong mga kamay ko sa pagsusulat pa rin. Oh well, pwede naman akong pumikit habang nagsusulat nitong blog. Kabisado naman ng mga daliri ko itong keyboard… or n0t.

Nakatapos na ‘ko ng dalawang medyo mahaba-habang articles para sa mga sinusulatan kong dyaryo, at quota na yun kung pagbabasehan ang trabaho ng isang regular reporter sa isang national broadsheet–yun e kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga naririnig ko dun.

By the way, karamihan sa mga national broadsheet e Manila-based. Marami rin sa kanila ang hindi naman talaga nakakaabot sa bawat sulok ng Pilipinas, kaya medyo maling tawagin silang “national.”

Since naka-quota na ‘ko, time na for myself, at isa sa pinakapaborito kong part ng araw ko e yung magsulat dito sa blog. Ang inaalala ko lang naman e baka lumabo pa lalo ‘tong mata ko kapag hindi ko tinantanan ang pagharap dito sa computer. Kung bakit naman kasi biniyayaan ako ng Diyos ng malabong mata. Kung malinaw sana ‘to at hindi ako nagsasalamin, edi sana VJ ako ngayon. VJ?

Natanggap kasi ako dati sa audition ng Myx VJ for a Day. Edi syempre nanlaki ang ulo ko. Ako, VJ? Wow! E ang nangyari, nung interview na, sobrang kabado ako. Tapos nung may pinabasa na para sample kunwari, nahirapan ako kasi nga malabo yung mga mata ko. Hindi naman ako nagko-contact lens kasi mas mahirap sya for me. Nasanay na ‘ko sa eyeglasses. Naging trademark ko na kumbaga.

Si Luis Manzano raw kasi e malabo rin ang mata. Halos magkapareho nga yata kami ng grado, mas mataas lang siguro yung akin ng tatlong kembot. Pero ginagawa nya e nagpapalit sya ng contact lens. Di ko kaya yun. Can’t afford, sorry. So, ayun. Di pa man nag-iinit yung puwet ko sa upuan, nalaman ko nang tsugi na ang aking career sa pagiging VJ. Live and learn.

Anyway, that was a long time ago. Hindi naman ako nanghihinayang na kasi nakabawi naman ako nung mga sumunod na taon. Kung pa’no ako nakabawi e saka ko na lang ikukwento. Siguro next year, sa fifth year anniversary nung pangyayaring iyon. Grabe talaga, isa yun sa pinakamasasayang nangyari sa buhay ko. Hindi ko lang masabi na yun ang pinakamasaya. Alam mo kung bakit?

Kasi ang pinakamasaya for me e nung nahulog ako sa kanya. Weh? Lande!

Advertisements