A Dose of Good News

by Sankage Steno

Bad trip ako kahapon dahil sa nangyari sa ‘kin sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City nu’ng isang araw, kaya naman pati ngayon e dala ko pa rin ‘yung latak ng pagka-bad trip ko. Pinipilit kong i-motivate ang aking sarili, at natutuwa akong malaman na, somehow, tinutulungan ako ng universe. (Yes, The Alchemist lang ang peg.)

Natutuwa ako sa mga good news na nabasa ko ngayon araw. Marami pa rin namang bad news, as usual, kasi ‘yun ang mabenta. For example, patay na ang komedyanteng si Sammy Lagmay (R.I.P.), ‘yung binugbog na Pinoy sa Hong Kong kinasuhan pa mismo ng nambugbog sa kanya at namatay kahapon ‘yung tarsier na nakuha sa Manila Golf and Country Club (S.L.N.).

Pero I won’t focus much on these bad news kasi nga lalo ko lang pasasamain ang timpla ko. Kaya naman ishe-share ko ‘tong mga nakalap kong magagandang balita sa inyo. Alam mo naman, ang happiness, kapag shinare mo, sa halip na kumonti, lalong dumarami.

Una, natutuwa ako kasi tinanggal na ng Japan ang visa requirements nila para sa mga nakatira sa ilang Southeast Asian countries. Ibig sabihin, mas madali ko nang makikita sina Naruto, Ichigo, Luffy, Son Gokou, Hello Kitty at Doraemon. Mas madali na ring ma-experience ang Sakura nila.

Mapapadali na rin ang pag-experience ko sa kanilang Shinkansen, habang pinapanood sa bintana ang countryside ng Japan, pati na rin ang Mt. Fuji! Kailangan ko nang mapuntahan ang Batanes para masimulan ko na ang aking pinapangarap na Asian Tour. Syempre, Pilipinas muna bago ibang bansa.

Pangalawa, palakpakan natin ang Supreme Court sa U.S. dahil dineclare nilang unconstitutional ang ilang parte ng Defense of Marriage Act para payagan ang same-sex marriage sa kanila. Napaka-symbolic nito kasi Pinkdot na sa Sabado. Winner ang mga LGBT, at panalo rin ang lahat ng naniniwala sa equal rights. See the reactions here.

Buti na lang at walang CBCP sa U.S. How I wish na ganun na rin ka-mature ang mga tao rito sa Pilipinas. Sa tingin ko taon pa ang bibilangin, baka decades pa, bago mangyari ang ganito sa atin. Iilang Pilipino pa lang kasi ang malawak ang pang-unawa. Karamihan e sarado ang isip dahil sa kanilang relihiyon o dahil sa sinabi sa kanila ng kanilang pari o pastor. Oh well, at least the RH Law is a good start. Sana ma-implement na.

Pangatlo, pinauwi na sa Pilipinas ‘yung DOLE official na si Antonio Villafuerte mula sa Saudi matapos s’yang akusahan ng tatlong OFW ng pang-aabuso, o ‘yung sex-for-repatriation scheme na ginagawa ng mga opisyal sa embahada para “matulungan” ang mga inabusong OFW.

Dahil dito, makakasuhan na s’ya at malaki ang tsansang matanggal s’ya sa pwesto. Well, sana nga. At sana rin, hindi lang s’ya ang maparusahan dahil, for sure, marami pang iba dyan ang nang-aabuso. Wish ko rin na marami pang OFW ang lumantad at magsiwalat ng mga kababuyan at katarantaduhan ng mga ganitong opisyal.

Finally, masaya ako dahil magki-kiss na raw sa lips sina Maya at Ser Chief.

Advertisements