Sana mamatay na si Duterte

by Sankage Steno

Puro kamatayan na lang ang naririnig ko sa bunganga ni Duterte kaya di ko tuloy maiwasang isipin na mamamatay s’ya. Pakiramdam ko, lalo akong sumasama bilang tao (hindi bilang diyos) sa tuwing makakabasa o makakarinig ako ng statement mula sa kanya. Ikaw ba?

Hindi ko rin tuloy maiwasang hilingin sa isip na sana sa kanya na lang mangyari yung gusto n’yang mangyari sa mga suspek ng krimen at sa mga “corrupt” journalists.

Since natapos na ang proclamation nila ni Leni (albeit his absence), safe na sigurong sabihin na kapag namatay nga si Duterte, hindi si Mar (na second place sa eleksyon) ang hahalili sa kanya kundi ang biyuda ni Jesse Robredo. Tama ba ‘ko, lawyers? Constitution experts?

Anyway, hypothetical statement lang naman. Don’t misinterpret me, nor take me out of context. Totoong naiisip kong “Sana mamatay na si Duterte” pero hindi ibig sabihin no’n e gugustuhin kong at gagawa ako ng paraan para mamatay nga ang mayor ng Davao City. Magkaiba silang dalawa, okay?

Again, #context.

Sabi ng utak ko, “Sana mamatay na si Duterte.” Malinaw ‘yan, pero ginagamit ko lang ang kalayaan ko sa pamamahayag, freedom of expression, pati na rin ang kalayaan kong mag-isip. Siguro naman hindi mo sisiilin ang kalayaan kong gamitin ang aking isip, ‘no? Kung sumagi bigla sa isip kong gusto ko s’yang mamatay o kahit na sinong tao, is that a crime?

Si Duterte nga mismo, nilabag yung ordinansa sa nasasakupan n’ya nang i-catcall n’ya si Mariz Umali, pero ginamit n’yang depensa ang freedom of expression. E di ayos lang ding gamitin ko yung defense na ‘yon sa pag-iisip ko nang masama sa kanya. It’s my freedom. You can’t fault me for that. I’m just following the lead of our president-elect.

Ergo, sasabihin ko na rin ang iba ko pang naiisip tungkol sa kanya. Sa palagay ko, hindi n’ya matatapos ang kanyang termino. Nakikini-kinita ko sa hinaharap na a) magre-resign s’ya at papalit si Leni bilang pangulo ng Pilipinas, b) papatayin s’ya ng mga may lihim na galit sa kanya o c) mamamatay s’ya sa karamdaman. After all, matanda na s’ya.

Take note, hindi ko kinokonsidera ang People Power. Please, ‘wag na po. Tama na. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa People Power. Natatakot lang ako na baka kapag sumugod tayo sa EDSA, hindi mag-alinlangan si Duterte na pasabugin o pagbabarilin tayo. After all, puro kamatayan lang ang laman ng polisiya n’ya.

Advertisements