Death Note

by Sankage Steno

Naiintindihan ko kung bakit may mga taong gusto ang death penalty. Gusto nilang gumanti.

Halimbawa, kung gagahasain ko ang anak, kapatid o asawa mo at papatayin ko s’ya pagkatapos halayin, anong gusto mong gawin sa akin? Normal na reaksyon lang na gustuhin mong mamatay rin ako (at/o magahasa). An eye for an eye.

Pero kung ipapapatay at ipapagahasa mo ako, anong pinagkaiba mo sa akin na gumahasa at pumatay sa mahal mo sa buhay? Kaya mo rin palang gawin ‘yon, naunahan lang kita. Sorry na lang.

Sasabihin mo, kaya nga dapat ang gobyerno ang magpataw ng parusang kamatayan. Okay, gets. So ipapasa mo sa iba ang trabaho ng pagpatay sa akin para hindi sa kamay mo dumanak ang dugo? Wow. Good luck na lang sa taong maaatasang bumitay sa akin. Sana hindi s’ya magka-PTSD o bangungutin sa gabi.

Ultimately, the moral question surrounding capital punishment in America has less to do with whether those convicted of violent crime deserve to die than with whether state and federal governments deserve to kill those whom it has imprisoned.

At talagang nag-aksaya ka pa ng pera at panahon. Gusto mo rin lang pala akong mamatay, sana nagbayad ka na lang ng hired killer. Mas mura pa ‘yon kesa abogado. Ilegal nga lang.

My point is, hindi ako sang-ayon sa death penalty. Napakarami nitong butas. Wala rin namang scientific proof na makagpasasabing pinipigilan nga nito ang krimen sa bansa. Siguro nga may ilang matatakot na gumawa ng krimen dahil sa parusang ito, pero hindi ibig sabihin no’n e hindi na sila gagawa ng masama.

Fear doesn’t stop people from committing crimes; it only makes them more careful about getting away with it.

Sasabihin mo pa, sa mga kahindik-hindik na krimen lang naman ia-apply ang death penalty. Okay, gets ulit. Pero ilan lang ba ang gumagawa ng kahindik-hindik na krimen sa bansa? Iilan lang naman sila. Kapag ba kurakot kang pulitiko, pwede ka nang patawan ng death penalty? Kapag ba “nakapatay” ka, pwede ka na ring bitayin?

See? Ang konti lang ng krimeng mapipigilan nito, kung mapipigilan nga. Wala ngang ebidensya, di ba? Mga eksperto na ang nagsabi.

Kung gusto mo talagang pababain ang bilang ng krimen sa bansa, mag-focus ka sa pagsasaayos at pagpapabilis ng justice system, hindi sa pagpatay sa mga tao. Dapat matinik at mahusay ang kapulisan natin. Dapat mabilis at may integridad ang mga korte natin. Ganun dapat.

Isa pa, ginagamit lang ng mga pulitiko ang death penalty para palabasin na mahigpit sila at seryoso sila sa pagpapanatili ng kapayapaan sa nasasakupang lugar. It’s just a political tool.

No civilian’s job description should include killing another person.

Isa lang talaga ang nakikita kong pinakamatimbang na dahilan kung bakit may pabor pa rin sa death penalty. Nabanggit ko na: paghihiganti.

Syempre, kung may gumawa nang sobrang sama, dapat sobrang sama rin ang kapalit no’n. This is understandable. Di naman pwedeng kapag pumatay ka, community service lang ang parusa. Patawa naman yun, di ba? Kaya dito pumapasok ang reclusion perpetua.

Kung gusto mo talagang gumanti, there are ways more terrible than death. Isipin mo na lang ang hirap kapag nakakulong ka, walang kalayaan at nagdurusa sa piitan. Kung paghihiganti talaga ang nasa isip mo, mas “okay” na maghirap yung kriminal habang nabubuhay kesa patayin, di ba? Parang bonus pa yung kamatayan. Sweet escape.

Ang sama na ng dating ko, pero I hope you get the point.

Advertisements