Hey, Joe, how’s Nicaragua?

by Sankage Steno

Patawa rin ‘tong si US Secretary of State John Kerry e. Actually, patawa ‘tong United States. Sabi kasi ni Kerry, sundin daw dapat ng Pilipinas at ng China yung ruling ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa usapin ng West Philippine Sea.

Nakakatawa, di ba?

Baliw, anong nakakatawa do’n?

Ikaw ang baliw kasi di ka nagbabasa at wala kang alam. Hindi mo ba alam na walang pinagkaiba ‘tong US sa China? Pareho lang silang di sumusunod sa desisyon ng mga international courts. Ganyan ang ugali ng mga superpower na bansa (o tao). Susunod lang sila sa batas kapag pabor sa kanila. Kapag di pabor, neknek mo na lang.

Ano ba kasi yung nangyari? Puro ka pangungutya e.

Masarap kasing mangutya ng mga tanga. Anyway, ganito ‘yan. Alam mo ba yung The Republic of Nicaragua v. The United States of America na kaso sa International Court of Justice? Gaya ng Pilipinas, tinalo ng Nicaragua ang kalabang superpower. At gaya nga ng China, hindi rin sinunod ng US yung naging hatol ng korte.

So tungkol saan nga yung kaso?

Noong 1980s, di pa ‘ko pinapanganak (pero alam ko ‘to dahil nagbabasa ako), kinasuhan ng Nicaragua ang US sa ICJ dahil sa pagpopondo ng huli sa mga anti-communist rebels (Contras) na kumakalaban sa pamahalaan at sa pagtatanim ng naval mine sa mga daungan ng Nicaragua.

Gaya ng China, hindi rin nag-participate ang US at sinabing wala raw jurisdiction ang ICJ para dinggin yung kaso. Same story sa ‘tin, ‘no? Nakakatawa talaga.

Pero nanalo ang Nicaragua.

Pero nanalo pa rin ang Nicaragua sa kaso, tama ka. Bukod sa hindi pagsunod ng US, sinabi pa nilang hindi nila susundin ang kahit na anong hatol ng ICJ laban sa kanila kahit kailan. So kahit pa pinagbabayad sila ng korte sa pamahalaan ng Nicaragua, syempre, di sila nagbayad. Ang kapal ng mukha, di ba?

Makapal nga. Nahahawakan ko hanggang dito.

Tapos ngayon ang lakas ng loob nilang sabihin na sumunod daw ang China sa ruling ng PCA. Gudlak kung makinig sa kanila yung China. Nakakatawa. Ngayon alam mo na kung bakit ako tumatawa?

Oo, gets ko na. Apir!

Apir! Kaya naiintindihan ko yung galit ng China sa US at yung pag-uugaling ipinapakita nila ngayon. Ganyan silang mga bully. Might is right. At tayong mga mahihina, tayong mga maliliit na bansa, iyak na lang sa tabi. Sa papel lang tayo nagwagi, hindi sa totoong buhay.

The strong do as they will; the weak suffer as they must.

‘Yan ang buod ng Melian mantra ayon kay Thucydides. Pak na pak, di ba? Ganern. Ganyan ang kalakaran ng malupit na mundo.

Pero umaasa pa rin akong may magbabago. Sana lang hindi magpaalipin yung gobyerno natin sa China. Baka kasi kapag nabigyan sila ng pera pampagawa ng tren o kalsada o kahit na anong infrastructure, tuluyan na nilang ipamigay ang West Philippine Sea sa kalaban. ‘Wag naman.

Para ka na ring bumili ng droga sa isang Chinese drug lord kung gano’n.

Advertisements