Tama si Hontiveros

by Sankage Steno

Technically, tama naman si Senator Risa Hontiveros sa sinabi niya na hindi rebellion o invasion ang ginawa ng Maute Group sa Marawi City kung ang pagbabatayan natin ay yung pahayag ng AFP tungkol sa nangyari. So let’s have a recap.

Brig. Gen. Restituto Padilla, the Armed Forces of the Philippines spokesperson, said in a statement that the operation of the military and the Philippine National Police began after they received reports that Abu Sayyaf subleader Isnilon Hapilon and some of his cohorts were in the city to possibly join Maute group fighters.

Ang nagsimula po ng operasyon ay ang mga sundalo natin. Malinaw ‘yan. Tinutugis kasi nila si Hapilon. Itong si Hapilon naman, humingi ng tulong sa mga kakampi/kamag-anak/kaibigan nilang taga-Marawi na miyembro ng Maute Group. Nang pumasok ngayon yung mga sundalo natin sa Marawi, dun na lumaki yung gulo kasi nagtulung-tulong yung mga tagaroon para labanan ang militar.

It’s called pintakasi sa kultura ng mga Moro. O bayanihan.

Now, martial law. Sabi sa Constitution, pwedeng magdeklara ng martial law for 60 days sa bansa o panig ng bansa kapag may invasion o rebellion. So let’s go to the definitions.

I’m not a Constitution expert, so I’ll just use the definition by Merriam-Webster. Ayon sa dictionary, rebellion refers to “an effort by many people to change the government or leader of a country by the use of protest or violence.”

Malinaw, di ba? Many people, check. Violence, check. Change the government, ekis! Change the leader, ekis! So tama nga si Hontiveros na, technically, hindi rebelyon ang ginawa ng Maute. E pa’no naman yung invasion part?

Ayon ulit sa dictionary, invasion refers to the act of entering “a place, such as a foreign country, in order to take control by military force.” Ang tanong, sino ba ang “nanghimasok”? Ang mga sundalo natin, di ba? Hindi ang Maute Group na ang ilang miyembro ay doon talaga nakatira sa o malapit sa Marawi.

Ergo, tama ulit si Hontiveros.

Kaya, tulad niya, naniniwala rin akong hindi kailangan ng martial law sa buong Mindanao kasi wala namang rebelyon o pananakop na nangyari.

Pero dahil terorista ang Abu Sayyaf at, in a way, ang Maute Group, pwedeng sabihing nagrerebelde sila sa pamahalaan (kahit ang ginagawa talaga nila ay manggulo para makakuha ng pera o manakot para ipangalap ang kanilang paniniwala/relihiyon). Again, di ako Constitution expert kaya hindi ako sigurado sa pakahulugan ng batas natin dito.

Kung nagagalit ka kay Hontiveros dahil iba ang interpretasyon n’ya sa rebellion at invasion, ikaw ang mali. That’s her opinion as a senator. As someone who makes laws. Pwedeng pagdebatihan kung ano talaga ang kahulugan ng mga terminolohiyang ‘yan.

Pero kung gagawa ka ng kasinungalingan at magpapakalat ng fake news at memes para siraan si Hontiveros, baka ikaw ang rebelde at hindi nagmamahal sa bansa. Baka ikaw dapat ang i-martial law.

Advertisements